Maraming tao ang nagsasalita tungkol sa pag-ibig bilang isang uri ng positibong pansariling pakiramdam. Ipinakikita sa atin ng Bibliya na higit pa riyan ang pag-ibig ng Diyos. Ito ay malakas, ito ay walang hanggan, ito ay nag-uudyok sa mga gawa ng pagliligtas ng Diyos. Nangolekta kami ng 10 sipi sa Bibliya na nagbibigay sa iyo ng isang sulyap sa pag-ibig ng Diyos para sa mga tao.
1. Isaias 54:8
“Sa tindi ng aking galit, sandali akong lumayo sa iyo, ngunit ipadarama ko sa iyo ang aking kahabagan sa pamamagitan ng pag-ibig na wagas.” Iyan ang sabi ni Yahweh na magliligtas sa iyo.
2. Jeremias 31:3
“napakita ako sa kanila mula sa malayo; sa simula pa’y inibig ko na sila kaya patuloy akong magiging tapat sa kanila.”
3. Juan 3:16
“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”
4. Juan 13:1
“Bisperas na noon ng Paskwa. Alam ni Jesus na dumating na ang takdang oras ng kanyang pag-alis sa daigdig na ito upang bumalik sa Ama. Mahal niya ang kanyang mga tagasunod na nasa daigdig, at sila’y minahal niya hanggang sa wakas.”
5. Juan 15:9
“Kung paanong inibig ako ng Ama, gayundin naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig.”
6. Juan 16:27
“Mahal kayo ng Ama sapagkat ako’y minahal ninyo at naniwala kayo na ako’y nagmula sa Diyos.”
7. Efeso 1:4-5
4 Bago pa likhain ang sanlibutan ay pinili na niya tayo upang maging kanya sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo at upang tayo’y maging banal at walang kapintasan sa harap niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, 5 pinili niya tayo upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, ayon sa kanyang layunin at kalooban.”
8. 1 Juan 3:16
“Dito natin nalalaman ang pag-ibig: inialay ni Cristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya’t dapat din nating ialay ang ating buhay para sa mga kapatid.”
9. 1 Juan 4:10
“Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig natin ang Diyos, kundi tayo ang inibig niya at isinugo niya ang kanyang Anak upang maging handog para mapatawad ang ating mga kasalanan.”
10. Pahayag 1:5-6
“5 at mula kay Jesu-Cristo, ang tapat na saksi, ang panganay sa mga binuhay mula sa kamatayan, at ang pinuno ng mga hari sa lupa. Iniibig niya tayo, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay pinalaya[a] niya tayo sa ating mga kasalanan. 6 Ginawa niya tayong isang kaharian ng mga pari upang maglingkod sa kanyang Diyos at Ama. Kay Jesu-Cristo ang kaluwalhatian at kapangyarihan magpakailanman! Amen.”

