Binigyan tayo ng Diyos ng mga paraan upang makipag-ugnayan sa kanya at marinig mula sa kanya. Binigyan Niya tayo ng Kanyang Salita, ang Bibliya, kung saan Ipinahayag Niya ang kanyang kalooban para sa ating mga buhay. Sa pamamagitan ng pagbabasa, pag-aaral, at pagbubulay-bulay sa Salita, matutukoy natin ang kalooban ng Diyos (2 Timoteo 3:15-16). Binigyan din tayo ng Diyos ng panalangin (Mateo 6:9-13). Kapag itinaas natin ang ating mga puso sa panalangin, nakakapagbahagi tayo ng ating mga iniisip, nais, at mga alalahanin sa Diyos (Filipos 4:6). Kadalasan, sasagutin ng Diyos ang ating mga panalangin sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Kapag binibigyan natin ng oras ang pagbabasa ng Bibliya, gagawin ng Banal na Espiritu na may mga talatang tumayo para sa atin. O sasagutin ng Diyos ang panalangin sa pamamagitan ng ibang tao, o sa pamamagitan ng mga pangyayari sa ating buhay.
Handang maghintay sa Kanya
Minsan maaaring tila tahimik ang Diyos. Ito ay maaaring dahil pinili ng Diyos na hindi agad sagutin ang iyong panalangin. Nais ng Diyos na tayo ay maging handa na maghintay sa Kanya (Awit 27:14). Nais Niya na tayo ay magtiwala sa Kanya nang buo at magtiwala rin nang buo sa Kanyang tiyempo (Kawikaan 3:5-6). Hindi Siya tulad ng isang computer na lumalabas ang sagot kaagad pagkatapos mong ipasok ang tanong. Ang Diyos ay isang Tao, na nagnanais ng personal na relasyon sa bawat mananampalataya. Siya rin ay isang Diyos na pinakadakila. Walang sinuman ang makakapilit sa Kanya na sumunod sa isang tiyak na iskedyul (Isaias 40:13-14).
Hindi Siya Naririnig
Maaaring nagsasalita ang Diyos ngunit hindi mo Siya naririnig. Kung ang iyong buhay ay puno ng masyadong maraming gawain at hindi ka naglalaan ng oras upang makinig sa Diyos, magiging bingi ka sa Kanyang tinig. Mahina ang tinig ng Diyos (1 Hari 19:12-13); pinakamahusay mo itong maririnig kapag isinasantabi mo ang ibang ingay (Mateo 6:6).
Suriin ang Iyong Buhay at Iyong Puso
Maaaring tahimik ang Diyos dahil pinahintulutan mo ang kasalanan na pumasok sa ating buhay. Suriin ang iyong buhay at iyong puso. Mayroon bang mga bagay na hindi ayon sa kalooban ng Diyos (Awit 139:23-24)? O nasa isang relasyon ka ba na hindi mo dapat naroroon? Marahil ikaw ay hindi tapat sa pera? Nagtataglay ka ba ng bitterness, o kasakiman, o inggit (1 Corinto 6:9-10; Efeso 5:3-5)? Maging handa na hayaang lumiwanag ang maliwanag na ilaw ng Banal na Espiritu sa iyong puso (Efeso 5:12-14). Ihanda ang iyong sarili na ipahayag ang iyong mga kasalanan at maging malinis (1 Juan 1:9). Maging handa na talikuran ang lahat ng pumipigil sa iyo na mabuhay nang malapit sa Diyos (Hebreo 12:1).
Huwag Pighatiin ang Espiritu
Sabi ng Bibliya: huwag pighatiin ang Espiritu (Efeso 4:30). Maaari mong pighatiin ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagpapatuloy sa makasalanang pag-uugali, o simpleng sa pamamagitan ng hindi paglaan ng oras upang makasama ang Diyos. Sikaping mabuhay ang iyong buhay na kaayon ng Banal na Espiritu. Araw-araw na umayon sa Kanyang mahinang tinig, sa pamamagitan ng paglaan ng oras upang magnilay sa Salita, makinig sa mabubuting sermon o magbasa ng mabubuting aklat. Matutong maging tahimik sa harap ng Diyos at mas malinaw at mas madalas mong maririnig ang Kanyang tinig (Awit 46:10).

