Ang mga Salita ng Diyos ay ginawa upang magturo, magpagaling, magbigay-buhay, magbigay-inspirasyon, at gabayan ka. Ang pagbabasa ng Biblia ay mahalaga sa paglalakbay natin sa buhay. Sa kabila ng ating mga tagumpay at kabiguan, maaari tayong magtiwala sa Salita ng Diyos, at ang Panginoon ay laging nasa ating tabi. Narito ang 20 mga talata mula sa Biblia na nagbibigay-inspirasyon at maaaring makatulong sa iyo sa panahon ng pagdududa, kawalan, pagdadalamhati, kalungkutan, o kawalan ng pag-asa.
- Kawikaan 3:5-6
“Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manangan sa sarili mong karunungan. Alalahanin mo siya sa lahat ng iyong ginagawa, at itutuwid niya ang iyong mga landas.” - Jeremias 29:11
“Sapagkat batid ko ang mga plano ko para sa inyo, mga planong magdudulot sa inyo ng kaginhawahan at hindi ng kapahamakan, mga planong magbibigay sa inyo ng pag-asa at kinabukasan.” - Filipos 1:6
“Natitiyak ko na ang Diyos na nagsimula ng mabuting gawa sa inyo ay siya ring magtatapos nito hanggang sa araw ng pagbabalik ni Cristo Jesus.” - Panaghoy 3:21-23
“Ngunit ito ang ginugunita ko, kaya may pag-asa pa ako: ang pag-ibig ng Panginoon ay hindi nagmamaliw, at ang kanyang habag ay walang kapantay. Ito’y laging sariwa bawat umaga; dakila ang iyong katapatan.” - Roma 8:31
“Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang laban sa atin?” - Ruth 1:16-17
“Ngunit sinabi ni Ruth, ‘Huwag mo akong pilitin na iwan ka at humiwalay sa iyo. Kung saan ka pupunta, pupunta rin ako; kung saan ka titira, titira rin ako. Ang iyong bayan ang magiging bayan ko, at ang iyong Diyos ang magiging Diyos ko. Kung saan ka mamamatay, doon din ako mamamatay at doon ako ililibing. Parusahan nawa ako ng Panginoon kung may anuman na makapaghihiwalay sa atin liban sa kamatayan.’” - Roma 8:28
“Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, sila na mga tinawag ayon sa kanyang layunin.” - Roma 15:13
“Pagpalain nawa kayo ng Diyos na pinagmumulan ng pag-asa. Loobin nawa niyang mapuspos kayo ng kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananalig sa kanya upang patuloy na sumagana ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.” - 1 Samuel 1:27-28
“Dininig ng Panginoon ang aking panalangin at ibinigay niya sa akin ang anak na ito. Kaya naman, iniaalay ko siya sa Panginoon habang siya’y nabubuhay. Inilalaan ko siya sa Panginoon.” - Esther 4:14
“At sino ang nakakaalam? Baka nga nilagay ka sa ganitong posisyon para sa ganitong panahon.” - Awit 48:14
“Sapagkat ito ang Diyos nating magpakailanman; siya ang magiging tagapagpatnubay natin hanggang sa katapusan.” - Awit 37:4
“Sa Panginoon mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo’y iyong makakamtan.” - Santiago 5:16
“Ang panalangin ng taong matuwid ay makapangyarihan at mabisa.” - Mateo 11:28-30
“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubos na nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at sundin ninyo ako, sapagkat ako’y maamo at mapagpakumbaba ang puso. Makakatagpo kayo ng kapahingahan para sa inyong kaluluwa. Sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok, at magaan ang pasaning ibinibigay ko sa inyo.” - Isaias 26:3
“Ang mga may matatag na isip ay mananatiling payapa sapagkat sila’y nagtitiwala sa iyo.” - Awit 34:8
“Tikman ninyo at tingnan kung gaano kabuti ang Panginoon! Mapalad ang taong nanganganlong sa kanya.” - Santiago 1:12
“Pinagpala ang taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok, sapagkat matapos niyang mapagtagumpayan ito, siya’y tatanggap ng putong ng buhay na ipinangako ng Diyos sa mga umiibig sa kanya.” - Galacia 2:20
“Nakipako na ako sa krus kasama ni Cristo. Kaya’t hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At habang ako’y nasa katawang-lupa, namumuhay ako sa pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal sa akin at nag-alay ng kanyang buhay para sa akin.” - Juan 14:27
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. Hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo. Huwag kayong mabalisa; huwag kayong matakot.” - Filipos 4:13
“Ang lahat ng bagay ay aking magagawa dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.”

