Sino ang Tunay na Kristiyano?

  1. Ang tunay na Kristiyano ay isang tao na naniniwala sa Panginoong Jesus para sa kapatawaran ng kanyang kasalanan at araw-araw na sumusunod sa Kanya. 
  2. Ang tunay na Kristiyano ay naniniwala kay Jesus, at sa pamamagitan ng pananampalataya ay tinatanggap si Jesus at nagiging anak ng Diyos (Juan 1:12). 
  3. Ang tunay na Kristiyano ay nagsisi mula sa kanyang mga kasalanan at bumalik sa Diyos (Gawa 3:19). 
  4. Ang tunay na Kristiyano ay nagmamahal kay Jesus higit pa sa kanyang ama o ina, kanyang anak na lalaki o babae (Mateo 10:37-38). 
  5. Ang tunay na Kristiyano ay handang iwanan ang lahat ng mayroon siya upang maging alagad ni Jesus (Lucas 14:33). 
  6. Ang tunay na Kristiyano ay nagtitiwala sa Diyos nang walang pag-aalinlangan, katulad ng pagtitiwala ng mga bata sa kanilang mga magulang (Mateo 18:3). 
  7. Ang tunay na Kristiyano ay itinatatwa ang kanyang sarili at handang magdusa upang sundan si Jesus (Marcos 8:34). 
  8. Ang tunay na Kristiyano ay sumusunod kay Jesus (Hebreo 5:9). 
  9. Ang tunay na Kristiyano ay pinahahalagahan si Jesus higit sa lahat ng inaalok ng mundong ito (Mateo 13:44).

Nagbibigay sa atin si Jesus ng isang seryosong babala. Sinasabi Niya na sa Huling Araw, maraming magsasabi ng ‘Panginoon, Panginoon’, ngunit maririnig mula sa Kanya ang ‘Hindi kita nakikilala’ (Mateo 7:21-23). Samakatuwid, kung ikaw ba ay isang tunay na Kristiyano ay ang pinakamahalagang tanong na kinakaharap mo sa iyong buhay. Kailangan mong makasiguro! Sinasabi ng Bibliya: “Siyasatin ninyo ang inyong sarili, kung kayo ay nasa pananampalataya” (2 Corinto 13:5).

Magtiwala ka sa Panginoong Jesus, sundan Siya, at tanggapin ang buhay na walang hanggan.

📁 ,