Paano Natutunan ni Jesus ang Pagsunod?

Kapag lumalaki ang mga bata, kailangan nilang matutunan ang pagsunod. Kapag hindi natututong rumespeto ang isang bata sa kanyang mga magulang at guro, nagiging pasaway at hindi kaaya-aya siya. Sa Hebreo 5:8 nababasa natin: “Bagama’t Siya ay Anak, natutunan Niya ang pagsunod sa pamamagitan ng mga bagay na Kanyang tiniis.” Kailangan bang matutunan ni Jesus ang pagsunod? Sa paanong paraan ito ay isang kakaibang pag-iisip. Hindi ba Siya ay laging perpekto at walang kasalanan?

Nagpupumiglas si Jesus sa plano ng Diyos

Ngunit itinuturo sa atin ng aklat ng Hebreo na bagama’t Siya ay Anak, natutunan Niya ang pagsunod sa pamamagitan ng mga bagay na Kanyang tiniis. Kaya kailangan Niyang matutunang sumang-ayon sa mga plano ng Diyos sa Kanyang buhay. May isang lugar sa Bibliya kung saan makikita natin si Jesus na nagpupumiglas sa plano ng Ama para sa Kanya. Ito ay ang sandali bago Siya arestuhin, noong Siya ay mag-isa sa hardin ng Getsemani. Kinatatakutan ni Jesus ang ‘kopa’ na kailangan Niyang inumin. Alam Niya na naghihintay sa Kanya ang matinding pagdurusa.

Ipinagkatiwala ni Jesus ang Kanyang sarili sa Kanyang ama

Lumuhod si Jesus at “naghandog ng mga panalangin at pagsamo, na may malakas na daing at luha sa Kanya na makakapagligtas sa Kanya mula sa kamatayan” (Hebreo 5:7). Hindi lang ito basta panalangin, kundi isang masidhing sigaw sa Diyos para sa tulong! Gayunpaman, kahit nasa ganitong estado ng pagkabalisa, idinagdag ni Jesus: “Gayunpaman, hindi ang aking kalooban, kundi ang sa Iyo, ang mangyari” (Lucas 22:42). Sinasabi sa atin ng teksto sa Hebreo na narinig si Jesus dahil sa Kanyang paggalang. (Hebreo 5:7).

Kaligtasan sa pagsunod ni Jesus

Ibig ba sabihin nito na hindi na kailangang inumin ni Jesus ang kopa ng pagdurusa? Hindi – ngunit nagpadala ang Diyos ng isang anghel upang bigyan Siya ng lakas upang tiisin ang lahat ng darating. (Lucas 22:43) Dahil sa pagsunod ni Jesus, mayroon na ngayong kaligtasan na matatagpuan para sa lahat ng sumusunod kay Jesus!

Matuto na maging katulad ni Jesus

Si Jesus ay ganap na tao, tulad natin. Kailangan Niyang matutunan ang pagsunod. Nanalangin Siya sa Diyos nang masidhi at may malaking paggalang, tulad ng dapat nating gawin. Hindi palaging natanggap ni Jesus ang Kanyang hinihiling, ngunit natanggap Niya ang lakas upang sumang-ayon sa mga plano ng Diyos para sa Kanyang buhay. Matuto mula kay Jesus, at matutong maging masunurin sa Kanya! Mayroong walang hanggang kaligtasan para sa iyo.

📁 ,