Mapagkakatiwalaan ba Natin ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol kay Jesus?

Oo, ang pagkalarawan kay Jesus na ipinahayag sa atin ng Banal na Kasulatan, ay mapagkakatiwalaan. Ang Bibliya ay dahil sa pangunguna ng Banal na Espiritu: “Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na panumuhay” (2 Timoteo 3:16). Ang Banal na Espiritu ay hindi maaring magbigay ng inspirasyon sa tao kung ito’y hindi totoo o hindi tama sa kanyang layunin. Si Hesus ay tumutukoy sa banal na Espiritu bilang ‘ Espiritu ng Katotohanan’ (Juan 16:13).

Iba’t-ibang salaysay patungkol sa buhay at ministeryo ni Jesus

Mayroong apat na sari-saring salaysay patungkol sa buhay at ministeryo ni Jesus ayon sa Bibliya: Ang Ebangelyo ayon kay Mateo, Marcos, Lucas at Juan. Itong apat na salaysay ay lahat naisulat na may iba’t-ibang angulo. Ito’y dahil sa ang mga taong manunulat ay may iba’t-ibang personalidad at mga nais na ipaabot. Bukod dito, sila ay sumulat sa iba’t-ibang madla. Halimbawa, Si Mateo ay sumulat sa mga Hudyo na tumangap na kay Hesus bilang kanilang Tagapagligtas, samantalang si Marcos, ang taga-pakinig ay ang mga Kristyanong hindi Hudyo na mga tao.

Ang Apat na Ebangelyo ay may kanya kanyang katangian at nagkakaisa na maisalarawan si Hesus na naglalayon na maihayag na Siya ang ipinangakong Tagapagligtas na kung saan tayo ay muling maibalik sa Diyos.

Sa isinulat ni Mateo makikita natin ang maraming katuruan ni Hesus, kalimitan nililinaw ng mabuti sa Lumang Tipan ang mga isinulat at pinapaliwanag ang tunay na kahulugan nito.

Ang Ebangelyo ni Marcos ay mas maikli at mas marami ang napapaloob na mga himala. Kaya nga, si Marcos ay nagpahayag tungkol kay Hesus na masmakapangyarihan kaysa mga demonyo, sa mga sakit at kamatayan; Siya ang tunay na anak ng Diyos.

Ang Ebangelyo sa Lucas ay isinulat ni Lucas na isang pangmedikong doktor. Isinulat niya ay ang pinakamahaba sa lahat ng Ebangelyo. Ang sentro sa Lucas ay ang pagdating at paghanap ni Hesus sa mga nawawala upang iligtas.

Ang Ebangelyo ni Juan ay ang pinaka-naiiba kung ihahambing sa tatlo. Ito’y nagpapahayag na si Hesus ay ang Natatanging kaisa-isang ipinadala sa mundo ng Panginoon. Binigyang diin ng pagpapahayag ni Juan ang buhay na walang hanggan na matatagpuan lamang sa pamamagitan ng Pananampalataya kay Kristo.

Ang mga Isinulat ay mapagkakatiwalaan

Ang isinulat patungkol kay Hesus na buhay ay mapagkakatiwalaan dahil itong lahat ay naisulat nang ilang dekada lamang bago naganap ang mga pangyayari. Ito’y naisulat ng mga tao na malapit sa panahong iyon kay Hesus at ang mga tao na ito ay ipinahayag din ang patungkol kay Hesus.

Tulad nito, ang Ebangelyo ni Juan ay naisulat ni Juan na kasama sa 12 na mga alagad ni Hesus at kasama sa tatlong disipolo na pinakamalapit kay Hesus na laging kasama niya sa mga espisyal na mga okasyon. Si Lucas ay posibleng hindi dirikta na nakakita kay Hesus sa kanyang mga ginawa ngunit ipinahayag niya sa simula ng kanyang isinulat na ito’y mga sinabi sakanyang mga kwento ng mga taong nakakita ng personal kay Hesus. At posibleng isa sa kanya na nagsalaysay ay si Maria, ang ina ni Hesus, dahil mababasa natin sa kay Maria “Ang lahat ng bagay na ito ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang puso” (Lucas 2:51).

Maging si Marcos ay hindi noon direkta na nakita si Hesus ngunit si Pedro ang posibling nagkwento ng lahat naganap at isa sa pinakamalapit na alagad na kasakasama ni Hesus ang sumulat ng Juan na Ebangelyo. Tunay na nakakamangha, ang Ebangelyo ni Marcos ay naglathala din ng tunay na pangyayari sa kahinaan na mayroon si Pedro(Marco 8:31-33, 9:5,6; 14:66-72). At ang Ebangelyo ng Mateo ay naisulat ni Mateo, isang maniningil ng buwis noon at naging isa sa mga alagad kalaunan.

Ang Banal na Espiritu ay nanahan sa mga sumulat

Ating mapagtanto na ang Banal na Espiritu ang umaliw sa apat na mga manunulat para maihayag ang mga ito at bawat isa ay mailarawan si Hesus na tunay. Higit pa man, tayo’y tiyak na sigurado na ang lahat nang naisulat ay base sa impormasyon ng mga naging malapit kay Hesus: Si Mateo ay isa sa mga alagad, Si Marcos ay kumuha ng impormasyon Niya kay Pedro na isa sa tatlong pinakamalapit kay Hesus na alagad, si Lucas ay ang mga nakakita na saksi, at ang lahat ng ito ay posibleng kasama ang ina ni Hesus, at si Juan na pinakamalapit na alagad.

📁 , , ,