Bakit Tinatawag Natin ang Diyos na “Ama”?

Mga kamay ng ama at anak

Bakit tinatawag ang Diyos na “Ama”? Ang simpleng sagot ay dahil iyon ang tawag sa Diyos sa Kasulatan, halimbawa, tinuturuan tayo ni Jesus sa Panalangin ng Panginoon na sabihin, “Ama namin…” (Mateo 6:9). Gayunpaman, mabuti at makakatulong din na mag-usisa nang kaunti pa. Bakit tinatawag ng Kasulatan ang Diyos na “Ama”?

Ang tanong na ito ay nag-uudyok sa atin na magtanong kung sino ang Diyos, at ano ang Kanyang katulad?

Si Jesus, ang Salita, ay Diyos

Sinasabi sa Juan 1:1-2: “Nang pasimula ay naroon na ang Salita, at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. Siya ay kasama na ng Diyos sa pasimula.” Sa ibang salita, bago ang paglikha, mayroon nang Diyos at mayroon nang Salita – kapwa sila Diyos, at gayunpaman sila ay magkaiba rin sa isa’t isa. Sinasabi sa Juan 1:14 na “ang Salita ay naging tao,” isang pagtukoy sa pagkakatawang-tao ni Jesus, nang si Jesus ay ipanganak bilang tao. Samakatuwid, si Jesus, ang Salita, ay Diyos.

Sa Juan 5 tinukoy ni Jesus ang Kanyang sarili bilang “ang Anak,” at pinag-usapan din Niya ang kanyang “Ama” (5:19-23), isang pagtukoy sa Diyos (5:18). Kaya bakit tinatawag ang Diyos na Ama? Sapagkat, iyon ang Kanyang walang hanggang pagkatao: Ang Diyos ay walang hanggang naging Ama at walang hanggang naging Anak (at walang hanggang naging Banal na Espiritu rin, Juan 15:26).

Trinidad

Ang turo kung sino ang Diyos, ay tinatawag na “Trinidad.” Ang terminong Trinidad ay isang kapaki-pakinabang na salita na tumutukoy sa Diyos ng Bibliya; iyon ay, isang nag-iisang Diyos, na umiiral sa tatlong magkaibang Persona.

Kaya ang sabihing ang Diyos ay Ama, ay hindi teknikal na tama. Mas mabuti ang sabihing ang Diyos ay tatlong Persona, isa rito ay ang Ama (ang Diyos Mismo ay Ama, Anak at Banal na Espiritu). Tinutukoy ng Bibliya ang “Ama” dahil iyon nga ang Kanyang pagkatao: Siya ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo (Efeso 1:3).

Nais ng Diyos na maging Ama Natin

Gayunpaman, kahanga-hanga, ang Ama ay hindi lang Ama ng Kanyang Anak, si Jesu-Cristo. Maaari tayong maging Kanyang mga anak, ibig sabihin, tayo rin ay maaaring tumawag sa Diyos na ito, “Ama namin.” Sa Lumang Tipan, nang ang Diyos ay malapit nang iligtas ang Israel mula sa pagkaalipin sa Ehipto, sinabi Niya “Ito ang sinasabi ng PANGINOON: Ang Israel ay aking panganay na anak…” (Exodo 4:22). Kaya tinawag ng Diyos ang Israel na Kanyang anak! Gayunpaman, sa buong Lumang Tipan, nakita natin na ang Israel ay hindi isang mabuting anak, sa halip sila ay isang mapanghimagsik, masuwaying anak (hal. Awit 106:7; 106:43; Isaias 1:2; Ezekiel 2:5).

Samakatuwid, ang Diyos ay nagtitipon ng isang bagong bayan para sa Kanyang sarili, kasama ang parehong mga Hudyo at mga hindi Hudyo (Marcos 12:1-12). Sa Galacia 4:4-7 nabasa natin:

“Ngunit nang dumating ang kaganapan ng panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak, ipinanganak ng babae, ipinanganak sa ilalim ng kautusan, upang tubusin ang mga nasa ilalim ng kautusan, upang tayo’y tumanggap ng pag-aampon bilang mga anak. At dahil kayo ay mga anak, isinugo ng Diyos ang Espiritu ng Kanyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, ‘Aba! Ama!’ Kaya hindi ka na alipin, kundi anak; at kung anak, kung gayon ay tagapagmana sa pamamagitan ng Diyos.”

Ito ang kahanga-hangang mabuting balita ng Kristiyanismo. Sa talata 3 sinimulan ni Pablo sa pagsasabing ang mga taga-Galacia ay mga alipin sa mundong ito. Ngunit pagkatapos, isinugo ng Diyos ang Kanyang Anak (si Jesus) sa mundo. Sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus, tinubos ni Jesus ang isang bayan para sa Kanya, at inampon Niya sila sa Kanyang pamilya; ibig sabihin na sila rin ay mga anak ng Diyos, na may Diyos bilang kanilang Ama. Maaari nilang tawagin ang Diyos na “Aba! Ama!” dahil hindi na sila mga alipin, kundi mga anak (mga bata) ng Diyos.

Ito ay tunay na maluwalhating balita: na maaari tayong maging tama sa harapan ng Diyos na lumikha ng mga langit at ng lupa, na lumikha sa atin at nagmamay-ari sa atin, at na maaari nating tawagin Siyang Ama, at maging Kanyang sariling mga anak!

📁 ,