Ang Bibliya ay nagsasaad sa atin: Sumagot naman sila, “Sumampalataya ka sa Panginoong Hesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan.” (Gawa 16:31). Ngunit sa ating pananampalataya kay Hesus, una ay dapat kilalanin mo muna Siya, kaya Sino si Hesu-Kristo?
Anak ng Diyos
Ang unang dapat lubos na maunawaan na si Hesu-Kristo ay Diyos. Lalong mainam na maunawaan, Siya ay isa sa tatlong persona na iisang Diyos. Ang Bibliya ay tinatawag siyang “ang Anak ng Diyos”, para makilala ang kaibahan sa Diyos Ama at Diyos Espiritu Santo. ( tingnan ang halimbawa sa Juan 1:18).
Kailan ang Anak ng Diyos nagsimula?
Bagaman ang kahulugan na ” Anak” baka isipin na ang una ay Diyos Ama,at sa kalaunan ay ipinanganak ang Anak, ang Bibliya ay malinaw na nagsasabi na ang Anak ay walang hanggan. Siya ay naroon na bago pa likhain ang sanlibutan. “ Si Kristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita. Siya ang panganay na anak at pangunahin sa lahat ng mga nilikha. Sapagkat sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga espirituwal na kapangyarihan, paghahari, pamamahala, at pamumuno. Ang lahat ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya. Siya ang una sa lahat, at ang buong sansinukob ay nananatiling nasa kaayusan sa pamamagitan niya.” (Colosas 1:15-17). Hindi lang ang Diyos ay Anak sa eternedad, bagkus Siya ay mananatili habang buhay: “Ako ang simula at ang wakas… Ako ay mananatili habang buhay at walang katapusan!” (Pahayag 1:17-18)
Isa ito sa mga unang doktrinang malinaw na ipinahayag ng unang simbahan dahil napakahalagang maunawaan kung sino si Hesus: ” Naniniwala kami sa iisang Diyos, Si Hesu-Kristo, ang tanging anak ng Diyos, eternedad na kaisa-isang anak ng Diyos, Diyos na galing sa Diyos, Liwanag na galing sa Liwanag, Tunay na Diyos na galing sa tunay na Diyos, hindi nilikha, may isang katangian sa Ama;at dahil Skanya, ang lahat ay nilikha” (Niceno- Constantinopolitan Creed, 381 AD).
Diyos at tao
Ito din ang pananalig na nagpapatuloy: “Para sa atin at sa ating kaligtasan, Siya ay bumaba mula sa langit, nagkatawang-tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at ng birheng Maria at naging tunay na tao.”
Kailan si Hesus ipinanganak?
Tungkol sa 2000 taong nakalipas, ang anak ng Diyos ay ipinanganak bilang sanggol sa lugar ng Betlehem. Ito ang tinatawag na ang nagkatawang tao (“dumating sa katawang tao”). Si Hesus ay ipinanganak ng isang dalagang babae, na nakatakdang-ikasal ngunit hindi nakaranas sumiping sa lalaking aasawahin. Ang pagbubuntis na iyon ay dahil sa kapangyarihan lamang ng Diyos.
Si Hesus ba ay ordinaryong tao?
Si Hesus ay lumaki sa isang normal na Israelitang pamilya. Siya ay ganap na tao at nakadanas ng mga emosyon, sakit at mga tukso. Ngunit Siya ay hindi “ordinaryong” tao, sapagkat hindi Siya nagkasala. At habang Siya ay sa katawang tao, nanatili Siyang Diyos. Ang Anak ng Diyos ay sagayon ay 100% na banal at 100% tao (Filipos 2:5-8; Colosas 2:9).
Si Hesus ay Tagapagligtas
Ang layunin ng pagkatawang tao ay ang kaligtasan ng pagka-makasalanan ng mga tao. Nang ang Diyos ay nilikha ang unang mga tao, sila ay perpekto. Ngunit nagrebelde sila laban sa kanilang Tagapag-likha at kaya nga sila ay naging makasalanan at karapat dapat ng paghuhukom ng Diyos (Genesis 3). Ito ay nagdulot ng malalang kinahinatnan, hindi lang sa kanila kundi sa kanilang magiging supling, kung saan imamana ang pagiging makasalanan (Roma 5:14-21). Ang sitwasyon ng sangkatauhan ay masasabing wala nang pagasa: Kanilang nakamit ang galit ng Diyos at hindi kayang iligtas ang kanilang mga sarili.
Tanging ang Diyos lang ang makapagbago nitong walang pag-asang situwasyon: “Ako ay si Yahweh, wala nang iba pa; walang ibang Tagapagligtas, maliban sa akin.” (Isaias 43:11). At ginawa Niya! “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” (Juan 3:16). Si Hesus ay dumating sa mundo para ibalita ang kaharian ng Diyos at turuan ang mga tao tungkol sa Diyos. Ang kanyang katuruan ay suportado ng mga supernatural na mga himala. Gayun din dumating Siya para magdusa at mamatay para sa mga tao. Siya ay matuwid at walang dungis ngunit inako N’ya ang kasalanan ng sangkatauhan. “Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap”. (Isaias 53:5). “Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at upang mag-alay ng kanyang buhay para sa ikatutubos ng marami.” (Marcos 10:45). Si Hesus ay handang akuin ang parusa na karapat dapat sana sa tao na mamatay sa krus.
Si Hesus ang muling nabuhay na Hari
Ang kwento ay hindi tumigil sa kay Hesus na kamatayan. Pagkalipas ng tatlong araw, Siya ay nabuhay namang muli at ngayon nabubuhay ng walang katapusan. Siya ay sa kalangitan hanggang sa katapusan ng mundo at Siya ay babalik bilang hukom ng sangkatauhan at gagawa ng bagong langit at bagong lupa. Siya ang walang hanggang Hari ng mundo na maghahari ang kabanalan. (Lucas 1:32-33). Kaya nga ang mga Kristiyano nagpupuri sa kanya bilang kanilang Panginoon. At sa katapusan ng mundo, lahat ng tuhod ay luluhod skanya, sa kalangitan at sa lupa at sa kailaliman ng lupa, at ang lahat ng labi ay magsasabing si Hesu-Kristo ay Panginoon, sa kaluwalhatian ng Diyos Ama (Filipos 2:10-11).
Si Hesu-Kristo ay may maraming Pangalan
Noong ang angel na si Gabriel nagbalita ng kapanganakan ” ng Anak ng Kataas-taasan”, ipinagbilin niya kay Maria na tatawagin sa pangalang Hesus. Ito ay itatawag na kanyang pangalan. Ito’y ibig sabihin “ang tanging Tagapagligtas”, kung saan ito ang talagang nangyari kay Hesus! Sa Bibliya, makikita nating marami pang pangalan, tulad ng “ang Anak ng Diyos”, “ang Panginoon”, “ang Tagapagligtas”, pati din “Kristo” o “Mesiyas”. Itong huling kahulugan ay ginagamit sa Lumang Tipan, bago si Hesus ipinanganak, para malaman ang Tagapagligtas na ipapadala ng Diyos.
Balang araw, malalaman natin nang lubusan kung sino si Hesus
Hindi natin lubos na nauunawaan o maipahayag kung sino si Hesu-Kristo. Ngunit ang sinumang naniniwala sa Kanya, ay maaaring umasa sa isang walang hanggang hinaharap kung saan lubos niyang makikilala si Hesus. “Sapagka’t ngayon ay nakikita natin sa salamin na malabo, ngunit pagkatapos ay mukha sa mukha. Ngayon alam ko sa bahagi; kung magkagayo’y malalaman ko nang lubos, gaya ng pagkakilala sa akin ng lubos” (1 Mga Taga-Corinto 13:12).
Naniniwala ka ba kay Hesu-Kristo bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas?