Ang pagkakilala sa Diyos ay mahalaga sa bawat isang tao. Ngayon sino ang Diyos?
Maari ba nating makilala ang Diyos?
Pagtinatawag ang isang tao “Diyos” ibig sabihin ang kahulugan na ito ay nilalang na Banal. Itong simpling obserbasyon ay nagpapakita ng kapahayagan na tayong tao ay maaring hindi lubos na maunawaan ang Diyos, sapagkat Siya ay sadyang higit sa ating pagkakilala. Ang sabi ni Yahweh, ” Ang aking kaosipa’y hindi ninyo kaisipan, ang inyong kaparaanan ay hindi ko kaparaanan. Kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa lupa, ang aking kaparaanan ay higit kaysa inyong kaparaanan, at ang aking kaosipan ay hindi maabot ng inyong kaisipan ( Isaias 55:8-9) “ Walang nakakaalam sa iniisip ng isang tao maliban sa kanyang sariling espiritu. Gayundin naman, walang nakakaalam sa mga iniisip ng Diyos.” (1 Corinto 2:11)
Ang Diyos ay hindi limitado sa oras o nang lugar, Siya ay hindi limitado sa katawan ng tao. Ang ating limang katangian ng pandama ay hindi sapat para makilala natin Siya bilang Siya – sapagkat tayo ay nilikha na bilang tao tayo ay may limitasyon at dahil narin sa kasalanan kaya malabo ang pagtingin natin sa Diyos. Makikilala natin ang Dios sa paraan na Siya rin ang magpahayag ng kanyang sarili sa atin.
Bakit napakahalaga na makilala ang Diyos?
Ang Diyos ay Persona, at nais Niya na magkaroon ka ng relasyon sa kanya. Kaya ipinahayag Niya ang kanyang sarili. Ang pagkakilanlan na mayron tayo ay may limitasyon itoy tunay at totoo. Sinabi Niya kung Sino S’ya at anu ang nais Niya. Ang katutuhanang ito ay nagdadala nang malalim na kasiyahan at basihan ng buhay na walang hanggan: “At ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila na iisang tunay na Diyos, at si Jesu-Cristo na iyong isinugo.” (Juan 17:3). “Pagkakilala sa Diyos” ibig sabihin higit pa sa mga katotohanan na kaalaman tungkol sa Kanya, ito’y isang personal na relasyon-katulad mo “kilala” ang isang mabuting kaibigan or asawa.
Paano ang Diyos nagpahayag ng kanyang sarili sa sangkatauhan?
Ang Diyos ay nagpahayag ng kanyang sarili sa kanyang mga gawa. Sa pamamagitan ng kanyang nilikha, halimbawa, Ipinahayag Niya ang kanyang kapangyarihan, kaalaman, at kamangha-manghang mga gawa. Ang kanyang reaksiyon sa kasalanan, Ipinakita ng Diyos ang kanyang kabanalan at katarungan- lalo na yong kanyang pag-ibig sa pagbibigay sa tao ng daan sa kaligtasan. Ang bibliya nagbigay sa atin ng malawak na pagpapahayag tungkol sa ginawa ng Diyos at gagawin sa hinaharap.
Isa pang paraan na ipinahayag ng Diyos ang kanyang sarili sa Bibliya ay sa kanyang Pangalan at sa Paglalarawan ng kanyang sarili, katulad ng “Ama”, “Hari”, “Bato”, at “Liwanag”. Lahat ng pangalan na ito ay larawan ng pagpapahayag na kung sino ang Diyos.
Gayon nga, ang Diyos ay nagpahayag sa pamamagitan ni Hesus. Siya ang anak ng Diyos na nagkatawang tao at ipinahayag sa sankatauhan kung sino ang Diyos ( 2 Corinto 4:6) “Kailanma’y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit ang natatanging Diyos na pinakamamahal ng Ama, ang nagpakilala sa Ama.” (Juan 1:18)
Ano ang katangian ng Diyos?
Mayroong maraming katangian na nauugnay lamang sa Diyos. Halimbawa,
- Ang Diyos ay walang hangan at hindi nagbabago. Siya ay noon pa man ay naroon na at mananatili sa habang buhay. Hindi Siya tatanda o mamamatay.
- Siya ay Dakila, kayang mabuhay sa sarili, alam ang lahat at makapangyarihan.
- Siya ay walang nakamamatay na katawan kundi isang Espiritu. Kaya nga Siya ay kahit saan, hindi limitado sa isang lugar.
- At ang Diyos ay tatlong persona, na ang ibig sabihin na may iisang Diyos na umiiral bilang Ama, Anak at ang Espiritu Santo.
Itong lahat ay katangian na wala sa tao at nagpapakita na ang Diyos lamang ang banal.
May mga maraming katangian din naman ang Diyos na mayron rin sa tao-sa ibang aspito. Katulad na halimbawa ay
- Ang Diyos ay Pag-ibig
- ang puot,
- kanyang kaalaman,
- o ang kanyang kabanalan.
Itong mga katangian ay itinuturo sa atin tungkol sa kung anu ang katangian ng Diyos, anu ang kanyang personalidad. Ang Diyos ang Syang pinaka basihan ng kabutihan, karunungan, at kabanalan; lahat ng ito ay katangian Niya at Sadyang tinataglay.
Ang Diyos ay iisa
Pwde tayong magtala ng lahat ng katangian nang Diyos, ngunit sa pagtatala nito ay mahalaga rin na isaisip natin na ang Diyos ay iisa. Ibig sabihin nito hindi lamang na ang Diyos ay Siya lamang ang Diyos ( tingnan sa halimbawa sa Deuteronomio 6:4),kundi pati narin ang lahat ng kasing katangian Nya na binibuo sa pagkakaisa. Hindi tulad natin, halimbawa, kung ang pagibig lamang ng Diyos ang pahalagahan at hwag ang kabanalan, o pagusapan ang kanyang puot and hwag ang habag ng Diyos, Ito ay magtataglay ng maling imahe sa Diyos sapagkat hindi kalahati ang taglay ng Diyos. Siya ay hindi hati na ganun o ganyan, kundi Siya ay sadyang ganun at ganun nga talaga Aiya. Ang pinaka mainam na paraan ng balansing pagkakilala sa Diyos ay ang pagbabasa lagi ng Bibliya at hayaan itong humubog sa iyong pangmalawakang pagkaunawa.
Ang Diyos ay ang ating manlilikha at Hukom
Ang Diyos ang Siyang lumikha ng mundo at lahat ng nandirito – kasama ang unang tao (tingnan sa Genesis 1 at 2). At ito ma’y kanyang nilikhang tao “sa wangis Niya”, na ang ibig sabihin na ang tao ay may mga taglay ng pagiging diyos – katulad ng katangian na wala ang ibang nilikha, tulad ng tanim o hayop. Ito ay ginawa para ipakita o ipahayag kung sino ang Diyos.
Dahil ang Diyos ang ating Tagapaglikha, Siya ay may karapatan na manguna sa atin. Tayo ay inatasan na maglingkod at sambahin Siya.Ngunit ang unang tao, si Adan at Eva, ay nagsuway laban sa Tagapaglikha. Ang relasyon sa pagitan ng Diyos at ng tao ay lubhang nasira. Ang tao ay hindi na lubusang magampanan ang kanyang layunin na maging imahe at makapagbigay kaluguran sa Diyos bagkus nagdulot ito ng kamatayang habang buhay dahil sa pagkakasala.
Ang Diyos ay ang Tagapagligtas
Ganun paman, ang Diyos ay hindi binaliwala ang kanyang nilikha. Ang Diyos anak ay bumaba sa mundo at inako ang kaparusahan na para sa sangkatauhan dahil sa kasalanan. Ito ay kanyang ginawa na may layunin “na kung ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” (Juan 3:16). Kung ang sino mang sumampalataya kay Hesu – Cristo bilang kanyang Diyos at Tagapagligtas, ay manunumbalik sa Diyos muli. Ito ay magdudulot ng posibling pagbabago, pagiging mapagmahal at personal na relasyon sa Diyos at ng tao, na kung saan ang Diyos ay maaring tawaging “aking Ama na nasa langit” (Mateo 6:9).
Ang Diyos ang Siyang maylikha ng sangkatauhan, at ang kanyang hatol, ngunit ganun pa man ay maliligtas ang lahat ng kumilala sa kanya.