May mga bagay sa Bibliya na madaling maunawaan. Ngunit may mga parte din sa Bibliya na mahirap unawain. Kahit ano pang pag-aaral ang gawin mo. Sadyang ito ay matalinhaga. Isa doon sa mga matalinhaga ay kung paano si Hesus naging Diyos at Anak ng Diyos na magkapareho. Ngunit kahit ito ay matalinhaga, malalaman parin natin ang tungkol dito At pwede nating ayusin ang maling pagka-unawa tungkol kay Hesus.
Iisa ang Diyos, at walang asawa
Sa normal na pakikipagrelasyon bilang tao, ang anak ay may ama, ngunit ang anak ay hindi pwedeng siya ay ama. Sila ay magkahiwalay na indibidwal. At kung ang tao ay may ama, siya ay dapat ay mayroong ina din. Ito ang normal sa buhay ng isang tao. Maaring makita natin sa Bibliya, Si Hesus ay tinawag na ” Anak ng Diyos”, halimbawa sa Mateo 4:5, 14:33, Marcos 1:1, Juan 1:34, Kaya, kung titingnan natin si Hesus sa pang-unawa na bilang tao, pwedeng sabihin natin na ang Diyos ay may asawa na nanganak kay Hesus.
Si Maria ay tao, hindi kasama sa Trinity
Ngunit walang nabanggit sa Bibliya na “Ina ng Diyos” o sinasabi na kahit ano tungkol sa Diyos na may asawa. Ang taong babae na si Maria ay nanganak kay Hesus pagkatapos na siya ay kamangha-manghang nabuntis nang walang pakikipagtalik na kahit kanino. Noong unang panahon, may mga kwento tungkol sa mga diyos na nakikipagtalik sa mga taong babae ngunit ito ay wala sa Bibliya. Si Maria ay isa lamang ina ni Hesus na ang layunin ay maipanganak Siya. Ang Diyos Ama ay hindi bumaba sa langit at para makipagtalik kay Maria. Ang Trinity ay hindi ang Diyos Ama, ang Anak at si Maria. Hindi marami ang diyos. Mayroon lamang iisang Diyos.
Ang Diyos ay tatlong persona sa iisang Diyos… at hindi tatlo na diyos
Ngunit iisa lamang ang Diyos, paanong mayroon Siyang anak na Diyos din? Tuwing pinag-uusapan ang tungkol sa “Diyos Ama” at si Hesus “Anak ng Diyos”, ito ay tumutukoy sa isang relasyon na laging umiiral… Diyos Siya. Ang Diyos ay iisa ngunit may tatlong personalidad. Ito ay mahirap maunawaan at ang mga tao ay nahihirapan na maunawaan sa mga natuklasan sa Bibliya. Alam natin na may Diyos Ama, at Diyos Anak (Hesus), at Diyos Espiritu Santo. Ngunit ang Bibliya ay malinaw na mayroong iisang Diyos, “Pakinggan mo, O Israel: Si Yahweh na ating Diyos ang tanging Yahweh.” Deuteronomio 6:4
Ang Diyos at si Hesus ay LAGI nang Ama at Anak. Ang susi sa kaisipan kay Hesus bilang Diyos at anak ng Diyos ay dapat maunawaan na
1) Ang Diyos ay laging umiiral
2) ang Ama ay laging sadyang ang Ama
3) ang Anak ay laging sadyang ang Anak
Sino ang nauna, Ama o Anak? Wala sa kanila!
Sa isang relasyon bilang tao, siya ay walang asawa bago siya maging ama. Walang tao na ipinanganak na ama agad. Ngunit ang Diyos Ama ay laging Ama sa Anak. Sino ay parehong umiiral na dahil sila ay iisa. Ang sabi ng Bibliya, “Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. Sa pasimula ay kasama na ng Diyos ang Salita. (Juan1:1-2). Sa mga talatang ito, “ang Salita” ay tumutukoy kay Hesus. Sila ay laging magkasama.
Si Hesus ay Anak ng Diyos sa simula pa lamang
Isipin mong may dalawang libro na nasa mesa. Ang isa ay nasa taas ng isang libro. Kalimitan, naiisip mo na yong isang libro ay inilagay nang una at iyong isa ay inilagay sunod. Pero kung iisipin natin na iyong dalawang libro ay nariyan na lagi sa mesa sa simula pa lang. Walang panahon na ang dalawang libro ay hindi nakalapag nang pareho. Kahit na isipin mo man na ang isang libro ay nauna at ang isa ay pangalawa, ito ay hindi totoo. Tulad nito ang Diyos Ama at ang Diyos Anak. Sa pagkaunawa ng tao, ito ay lohikal na ang ama ang nauna at sunod ang anak. Pero ang Diyos Ama at and Diyos Anak ay magkasabay na naroon nang pareho dahil sila ay iisa. Dahil ginamit natin ang mga katagang “Ama” at “Anak”, parang iyong isa ay nauna, ngunit ito ay walang katotohanan. At ito iyong talinhaga.
Ano ang alam natin… at hindi alam
Ang susi para maunawaan ang Bibliya ay tingnan natin lahat ng impormasyon na nasa Bibliya at tingnan natin kung paano sila nagkakaisa. Dahil ang Diyos ay sobrang mataas kaysa atin at sa ating pagkaunawa, hindi lahat ng mababasa natin ay ating madaling mauunawaan. Kaya ito ay matalinhaga na kung paano si Hesus ay naging Diyos at Anak ng Diyos nang sabay.
Basta alam natin na mayroong isang Diyos at si Hesus ay Diyos, ang Ama ay Diyos, at ang Banal na Espiritu ay Diyos. Kung paano iyon nangyari, hindi natin alam. Kaya kailangan ba natin na malutas lahat bago pa tayo magkaroon ng pananampalataya sa isang tunay na Diyos na nagpakilala sa katangian ni Hesus?