Oo, S’ya ay nabuhay. Ito ang kaibuturan ng ating pananampalataya. Si Hesus ay napako at ang kanyang katawan ay inilibing sa araw ng Biyernes. Pagkatapos ng dalawang araw, sa Linggo ng pagkabuhay (malamang noong Abril 7, AD30) may mga kababaihan na tumungo sa kanyang libingan. Ang mga anghel ay nagpakita sa kanila, at nagsabi: “Bakit n’yo hinahanap ang buhay sa mga patay? Wala S’ya rito, dahil S’ya ay muling nabuhay” (Lucas 24:5-6). Sa mga araw at linggo pagkatapos noon, ang muling nabuhay na si Hesus ay nagpakita ng ilang beses sa mga kababaihan, sa kanyang mga disipulo, sa kanyang kapatid na si Santiago at minsan sa limang libo ng isang pagkakataon. (Lucas 24 at 1 Corinto 15). Pagkatapos ng 40 na araw Siya ay umakyat sa langit. (Gawa 1:4-14)
Paano natin malalaman na ito ay kasaysayan o gawa-gawa? May mga ilang matibay na dahilan para diyan.
Ang walang laman na libingan
Sa loob ng dalawang buwan ng pagpako, ang mga alagad ay nagbalita sa Herusalem na si Hesus ay muling nabuhay sa mga patay. Walang sino man na makapag-sasabi “walang kabuluhan ang iyon sinasabi, ito ang kanyang libingan”, dahil ang kanyang libingan ay walang laman.
Ang pananampalataya ng mga alagad
Noong si Hesus ay namatay, sila ay parang kawawang tungkos na walang pag-asa. (Marcos 16:10). Lamang pagkatapos ng ilang linggo, ang mga alagad ay matatag na naniniwala na si Hesus ay nabuhay sa mga patay, na sila ay pumunta sa iba’t-ibang parte ng mundo para ibalita ito. Binigay nila ang kanilang buhay dahil sa matibay na paniniwala. Marahil 11 sa mga 12 apostol namatay bilang isang martir. Nakita nila at nakausap ang muling nabuhay na si Hesus.
Ang patotoo ng mga kababaihan
Ang lahat ng Ebanghelyo, Mateo, Marcos, Lucas at Juan ay binangit na ang mga kababaihan ang unang nakakita sa muling nabuhay na so Hesus. Ito ay hindi gawa-gawa lamang na kwento, sapagkat ang mga kababaihan ay isinasaalang-alang na di mapagkakatiwalaan noong panahon nila. Ngunit ganito talaga ang naganap, kaya ganito ang pagsasalaysay ng Bibliya.
Ang pananampalataya ni Santiago
Ang Ebanghelyo ay nagsasabi na si Hesus’ ang mga kapatid ay di naniniwala sa Kanya. (Juan 7:5). Ang muling nabuhay na si Hesus ay nagpakita sa kanyang kapatid na si Santiago (1 Corinto 15:7). Si Santiago ay nanampalataya kay Hesus, at naging lider ng Sambahan. (Gawa 15; Galatia 1:19). Ang nag-alinlangan ay naging mananampalataya. Ang dahil yaon: nakita Niya na si Hesus, na namatay na ay nabuhay muli.
Sinaunang patotoo
Ang paniniwala ni Pablo (ay ang opisyal na pagsasalaysay ng bahagi ng paniniwala) nang mga unang Iglesia sa Corinto 15:3-5 tungkol sa muling pagkabuhay ni Hesus:
“Sapagkat ibinigay ko sa inyo bilang pinakamahalaga sa lahat ang tinanggap ko rin: na si Cristo’y namatay dahil sa ating mga kasalanan, tulad ng sinasabi sa Kasulatan; inilibing siya at muling nabuhay sa ikatlong araw, tulad din ng sinasabi sa Kasulatan; at siya’y nagpakita kay Pedro, at saka sa Labindalawa.”
Sinulat niya ito 24 taon pagkatapos ng muling pagkabuhay. Ngunit sinabi niya ‘natangap’ niya ito, kaya narinig niya ito sa iba. Natanggap niya muna bago sinumulang ibahagi, limang taon ang lumipas pagkatapos ng muling pagkabuhay. Kaya noon pa man ito ang paniniwala, kaya ang pinananaligan ay may pinanggalingan nang isa o tatlong taon matapos ay muling pagkabuhay! Ang muling pagkabuhay ay hindi kwentong ginawa noong wala na si Hesus, kundi ito ang sentro ng pananampalataya pagkatapos ng kanyang pamumuhay.
Modernong patotoo
Sa buong mundo, maraming mga taong nagsasabi na si Hesus ay binago ang kanilang buhay pagkatapos ng sila’y manampalataya sa kanya. Dahil si Hesus ay muling nabuhay sa mga patay, Siya ay buhay hanggang ngayon. Siya ay maaaring gumawa din sa iyong buhay. Hayaan mo na maging Panginoon sya ng iyong buhay, at ikaw ay nasa daan ng panghapang buhay na kagalakan.