Marami ang nagtatanong tungkol sa katapusan ng mundo. Ang ilan ay iniisip na ang katapusan paunti-unting darating tulad ng unti-unting pagkamatay ng araw bilyong taon mula ngayon. Ang ilan namn ay iniisip na ang katpusan ay darating ng biglaan. Marahil, tulad ng ilang mga pelikula patungkol sa mga delubyo sa pamamagitan ng isang “asteroid”, isang Nuklear na sakuna o ang pagdating ng mga nilalang mula sa ibang planeta. Ang pag-iisip sa mga tanong na to ay nakakapagbigay ng tako. Ngunit ano ang sinasabi ng Bibly tungkol sa katapusan ng mundo?
Ang sinasabi ng Bibliya
May mga ilang bagay na paniguradong maaari nating malaman:
- Ang mundong ito ay may katapusan. Tingnan ang 2 Pedro 3:10: “Darating ang araw ng Panginoon na parang magnanakaw, at kung magkagayon ay lilipas ang langit na may dagundong, at ang mga bagay sa langit ay masusunog at matutunaw, at ang lupa at ang mga gawa na ginawa. doon ay malalantad.”
- Sinasabi sa atin ng Bibliya sa 1 Tesalonica 5:1-2 na ang araw na ito ay darating nang hindi inaasahan: “Ngayon, tungkol sa mga panahon at mga kapanahunan, mga kapatid, hindi na kailangang may anumang bagay na isulat sa inyo. Sapagkat alam ninyong lubos na ang araw ng Panginoon ay darating na parang magnanakaw sa gabi.” Kahit si Jesus ay hindi alam kung kailan Siya babalik (Marcos 13:32), at hindi tayo pinapayagang malaman (Mga Gawa 1:7).
- Ipinaliwanag din ng Bibliya kung bakit hindi pa dumarating ang araw na ito: “Ang Panginoon ay hindi mabagal sa pagtupad ng Kanyang pangako na gaya ng inaakala ng iba na kabagalan, kundi matiyaga sa inyo, na hindi ninanais na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay umabot sa pagsisisi” (2 Pedro 3:9). Ang panahon sa pagitan ng una at ikalawang pagdating ni Hesus ay panahon ng biyaya: Binibigyan tayo ng Diyos ng panahon upang tanggapin ang Kanyang pag-ibig at magtiwala sa Kanya. Ang Diyos ay nagbibigay ng panahon para sa Kanyang Mabuting Balita na maipangaral sa lahat ng mga tribo at wika at bansa sa mundo, upang ang mga tao mula sa bawat bansa at etnisidad ay maligtas (Pahayag 7:9-10).
- Ibabalik ng Diyos si Jesus sa lupa sa huling araw upang hatulan ang mundo (Mga Gawa 17:31). Ipapatawag tayong lahat ni Jesus mula sa libingan, bubuhayin ang ilan sa buhay, at bubuhayin ang iba upang hatulan (Juan 5:28-29).
- Para sa sinumang naniniwala kay Hesus, ang araw ng Panginoon ay magiging isang araw ng kagalakan. Hindi nila kailangang matakot: “Kaya ngayon ay wala nang paghatol sa mga na kay Cristo Jesus” (Roma 8:1). Ngunit kung tinanggihan mo siya, parurusahan ka ni Jesus para sa iyong mga kasalanan ng walang hanggang pagkawasak (2 Tesalonica 1:7-10).
Mga Palatandaan
Ang mundo ay magwawakas, at nakikita natin ang mga palatandaan nito. Sa Mateo 24:6-8, mababasa natin: “At makakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan. Tiyakin na hindi ka nababahala, sapagkat ito ay dapat mangyari, ngunit hindi pa ang wakas. Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian, at magkakaroon ng mga taggutom at mga lindol sa iba’t ibang dako. Ang lahat ng ito ay pasimula lamang ng mga sakit ng panganganak.”
Ang sakit at hapdi ng panganganak ay totoo. Ngunit ang sakit na ito ay magbubunga ng isang kamangha-manghang bagay. Sa mga araw na ito, nakakakita tayo ng mga taong nagdurusa; maraming sakit at pighati. Ngunit ang Bibliya ay nagsasabing ang mga pagdurusa sa mundong ito ay sakit na mula sa kapanganakan. Isang bagong mundo ang lalabas. Isang bagong realidad ang darating, kung saan makikita natin ang kaluwalhatian ng Panginoon kung saan wala ng pagdurusa. Kung ang isang ina ay hahawakan ang bagong silang na anak, makakalimutan nya ang sakit. Tanging kagalakan lang ang matitira.
Kinabukasan
Sinasabi sa atin ng Apocalipsis 21: “Pagkatapos ay nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong lupa, sapagkat ang unang langit at ang unang lupa ay lumipas na, at ang dagat ay wala na. At nakita ko ang banal na lungsod, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit mula sa Dios, na nakahandang gaya ng isang kasintahang babae na nagagayakan para sa kaniyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa luklukan na nagsasabi, Narito, ang tahanan ng Dios ay kasama ng tao. Siya ay mananahan kasama nila, at sila ay magiging Kanyang mga tao, at ang Diyos Mismo ay sasa kanila bilang kanilang Diyos. Papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati, o ng pagtangis, o ng kirot pa man, sapagkat ang mga dating bagay ay lumipas na.”
Yan ang kinabukasan na ating inaasahan. Hangang ang araw na iyon ay darating, ating ipapamahayag ang magandang balita tungkol sa pagmamahal ng Dyos na ipinakita sa ati ng Panginoon Hesukristo. Sapagkat ang sinumang naniniwala sa kanya, nagtitiwala sa kanya, ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan!
Hindi kaba sigurado kung ang katapusan ng mundo, ang pagbabalik ni Hesukristo ay isang araw ng kagalakan para sa iyo? Iyong personal na kilalanin ang Dyos, aralin ang Bibliya- halimbawa sa pamamagitang ng pag-lahok sa isang “Online Bible Course”. Ito ay magtuturo sayo kung pano makamtan ang walang hanggang buhay sa pamamagitan ng paniniwala kay HESUS.