Bakit Kinailangang Mamatay ni Hesus?

Përditësimi i fundit më June 10, 2023

Noong likhain ng Diyos ang mundo at ang tirahan ng tao, ito’y nagdala ng buhay. Ang Diyos ay hindi nagdala ng kamatayan ngunit pinagbawalan si Adan na kumain ng galing sa puno ng karunungan na kung ano ang mabuti at ano ang masama, dahil ito’y magdudulot ng kamatayan. (Genesis 2:17). At ganito nga ang nangyari nang si Adan at Eva ay sumuway sa utos ng Diyos: nagsimula ang kamatayan sa tao. Hindi lang ito nagdulot ng simulang kamatayan sa mumdo, kundi lahat ng sa mundo ay naapektuhan. (Roma 5:12). Lahat ng taong ipapanganak sa mundo ay maykasalanan at mamamatay. Ang kamatayan na dulot ng pagkakasala: Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.” (Roma 6:23).

Kabayaran ng kasalanan

Ang kamatayan ay dulot ng pagsuway sa utos ng Diyos, na nagbigay sa atin ng buhay. Ang paggawa ng mabuti upang matakpan ang mga kasalanan ay hindi kaparaanan na gawin, dahil ang naidulot ng kasalanan ay kamatayan. Ang tao ay hindi makakagapi sa kamatayan gamit ang sariling kalakasan.

Ang Diyos ay Makatarungan

Ang Diyos ay makatarungan sa lahat ng Kanyang gawa at ang ibig sabihin nito ang Kanyang paghuhusga ay makatarungan sa kasalanan ng tao (Deuteronomio 32:4). Ngunit ang Diyos ay mahabagin at laging nagpapatawad sa kasalanan (Mga Awit 103:3,8). Sa Lumang Tipan, ang mga taong nagkasala ay maaring magdala ng pinatay na hayop imbis na siya. (Levitico 4:22-31). Ito ang nilaan ng Diyos sa tao na hindi makapamuhay ng matuwid. Ngunit itong mga paghahandog ng mga hayop ay nagpapabatid sa totoong walang wangis na handog na ginawa ni Hesu Kristo na minsan lang at para lahat.

Ang walang dungis na tupa

Kung si Hesus ay hindi dumating sa mundo, lahat ng paghahandog ay walang kabuluhan. Walang hayop na maaring mag-alis ng kasalanan ng tao – nagkaroon lamang ito ng kabuluhan nang ang Tagapaglistas ay ipinangakong darating (Hebreo 10:4). Ang Mesias ay Siyang walang dungis na Tupa na maghihirap at mamamatay nang sa ganoon ang tao ay magkaroon ng kaligtasan at kapatawaran sa kanilang mga kasalanan. (Hebreo 10:10-12). Si Hesus ay hindi nagkasala kaya Siya ay karapatdapat na mag-alis ng kasalanan ng tao sa mundo.

Buhay ni Hesus ang naging kabayaran

Ang Diyos ay nagpadala ng Kanyang anak dito sa mundo ng sagayon si Hesus ang mag-aalis ng kasalanan ng tao bilang kabayaran sa kasalanan. (1 Juan 2:1-2). Dahil ang kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, Si Hesus ay nagbayad ng kanyang buhay. Alam na ni Hesus bago pa man na ganito ang gagawin Nya (i.e. Mateo 16:21). Tiniis ni Hesus ang pagdurusa at kamatayan na nakahanda skanya, na ipinanalangin Nya sa Diyos na alisin Skanya. Ngunit sinunod ang kalooban ng kanyang Ama, at ang kaloobang ito ay si Hesus ang magbabayad ng kasalanan ng mundo (Mateo 26:39). Walang ibang paraan para muling mapanumbalik ang tao sa Diyos! (1 Timoteo 2:5-6; Roma 5:10; 2 Corinto 5:20; Colossas 1:21-22)

Share post